iba't ibang pyesta sa pilipinas - san juan, xerylle euanne s.
Iba't Ibang Pyesta Sa Pilipinas
1. Ati-Atihan Festival
Ang Ati-Atihan festival ay pinapaniwalaang pinakamatandang pyesta sa Pilipinas, Ito ay nagsimula noong 13th century. Ginaganap ito tuwing buwan ng Enero sa central province ng Aklan. Minamarka ito ng isang engrandeng procession sa ngalan ng Santo Niño. Madalas sa pyesta na ito maririnig mo ang mga sigaw ng mga tao ng "Viva! Santo Niño!" o "Hala Bira! Pwera Pasma!”
2. Sinulog Festival
Ang Sinulog-Santo Niño Festival ay isang taunang kultural at relihiyosong pagdiriwang na ginaganap tuwing ikatlong Linggo ng Enero sa Cebu, kung saan ang sentro ng mga aktibidad ay matatagpuan sa Cebu City, at ito ang pinakamahalagang selebrasyon ng Santo Niño sa Pilipinas. Itinuturing ang festival na ito bilang pinakamalaking pagdiriwang sa Pilipinas, na taun-taon ay umaakit ng hindi bababa sa 1 milyon hanggang 1.5 milyong tao. Bukod sa relihiyosong aspeto ng pagdiriwang, kilala rin ang Sinulog dahil sa mga street party na karaniwang nangyayari sa gabi bago at sa mismong araw ng pangunahing festival. Tinagurian ang festival na ito bilang "Pinakamalaking Pagdiriwang sa Pilipinas."
3. Kaamulan Festival
Ang Kaamulan Festival ay isang pagtitipon na pinagsasama ang ritwal ng pasasalamat, kasunduan ng kapayapaan sa pagitan ng mga tribo, ritwal ng datu, at seremonya ng kasal. Isang makulay at tunay na kaganapan na nagpapakita ng yaman ng mga tribo at kanilang mga tradisyon. Ito ay ipinagdiriwang ng pitong katutubong tribo ng Pilipinas—Bukidnon, Talaandig, Tigwahanon, Manobo, Umayamnon, Matigsalog, at Higaonon. Ang pangalan ng festival ay nagmula sa salitang "amul," na nangangahulugang "magtipon." Nagtitipon ang mga tribo upang ipakita ang kanilang mga katutubong kasuotan, sayaw, at mga produkto.
4. Moriones Festival

Comments
Post a Comment